boom. baby. boom.

15 11 2007

And everyone can see that I really fell
And I’m going through hell

——-

naku. ang cool ng part na iyan ng song na ’somebody’s me’ by Enrique Inglesias. haha. :) bagay na bagay sa mga torpe (sino kaya iyon LANCE?!). haha. magpatama ba? peace tayo dude!

ay naknang. kailangan pa namin magpractice ng speech choir bukas. pati na ung balak namin na sumali sa papaya video something ng GAME KNB?. haha. oo, balak ng BUONG KLASE ang sumali diyan. 20k diba ung prize? kapag napili ung samin, naku, fiesta ang buong klase ng NARRA sa Christmas Party namin. haha. :)

so, speaking of christmas. babaguhin ko na iyong dati kong ginawa na christmas wishlist. super materialistic kasi. haha. pansin niyo din? naku, baaaad jodesz. i shouldn’t be too materialistic this christmas, kasi i’ve been like that for 13 christmas holidays already. ang sama ko talaga, kaya dapat this year, i will be a good girl by being not too materialistic (not too lang, magiging ganun padin ako).. soo lets start. :) )

may naisip akong pakulo ngayong christmas, ang kung sinomang tao ang magregalo sakin ng isang bagay, may gagawin ako sa kanya. though i won’t tell kung anu iyong bagay na hinahanap ko nor yung gagawin ko sa tao na iyon. haha. :) magugulat na lang kayo.
pero to give you a clue, yung bagay na iyon eh suuuper random lang niya. magugulat kayo na iyon iyong hinahanap ko. :)

at kung iniisip niyo kung kasama siya sa christmas wishlist ko na isusulat ko ngayon, eh ewan ko. i wouldn’t mention if it is or not included. haha. manghula kayo!!!

teka, bago ko simulan ang christmas wishlist, ang above pauso ay nakuha ko kay martina, haha. pero hindi niya din alam kung anu ung bagay na hinahanap ko. kung gusto niyo malaman, behlat. haha!

start na. :)

CHRISTMAS WISHLIST V.2

1. i want WORLPEACE. i want it, i need it. i demand it! self-explanatory na kung bakit gusto ko siya. para happy lahat, dba? (vote jodesz for president!!!)

2. i want to have a NEW BOOK. any kind of book will do. haha. just so you know, i read all kinds of books. kesyo cookbook pa iyan or brochure lang na nagsasabi kung paano magdiet, binabasa ko. haha. :) kahit cheapbook lang. or if gusto niyo, bilhan niyo ako ng libro ni Paulo Coehlo. :) haha. kapag may nakapagbigay sakin nun, mamahalin ko habambuhay! yebah!

3. gusto ko ng MALAKING BUBUYOG SHADES. oh see, pasko, gusto ng shades. san ka pa? para masaya. inggit kasi ako kay cecille eh, andami niyang ganun. cute ko pa man din kapag nakaganun ako. haha. :) mabubuhay na naman si NGUSOBUYOG.

4. BRACELET. :) tama ba ispeling ko? haha. iyong parang mga wristband na ewan. gusto ko ng ganun. inggit kasi ako sa kapatid ko kasi andami nilang ganun. :) at tska ung mga talagang self-made na bracelet, kapag binigyan ako ng ganun, magiging super saya ko. as in super saya. to da max.

5. A NEW PAIR OF GLASSES. haha, i badly need this. haha. masisira na salamin ko. naghihingalo na nga eh. naririnig ko na siya na nagsasabi na ‘help me. help me.’. haha. :)

6. i said this once, i’ll say it all over again, DEATHNOTE MERCHANDISE!! haha. :) kahit anung bagay na deathnote. towel/panyo/pin/ballpen/baso/mug/paper/si Light/movie/payong/tsinelas/tshirt/etc tatanggapin ko. haha. :)

7. BANDSHIRT. :) gusto ko iyong sa Paramore at sa The Red Jumpsuit Apparatus. :) haha, 180php lang sa may circle c iyon mga dude. :)

8. unlimited supply ng PUCCA.

9. unlimited supply ng SHAWARMA. pati na din SHAWARMA RICE.

10. unlimited supply ng CHOCOMUCHO.

11. yung uber sarap na BANANA CAKE ni Miguel! :) haha. ka-adik.

12. LOVE. gimme love. gimme more. its jodesz bitch. haha!

13. PEACE. tantanan na sana ako ng mga nakaka-away ko. make love not war. :) peace is the best. peace for the rest! haha. :)

14. KNOWLEDGE. woooh! sana tumalino pa ako para makapasa sa UPCAT kapag portyir na ako. at para sa aking buhay estudyante. :)

15. PATIENCE. para sa mga hindi naglilinis na cleaners. haha. :) mga baaaad. haha. :)

16. LOVE ULIT. naku naku. :)

17. GOOD HEALTH. para hindi na ako maging sakitin, sipunin, and all that jazz. :) haha.

so ayan, hope i’ve given you an idea on what to give me. haha. :)
..

advance happy birthday to:
`sa kambal kong kapatid
`kay tito alex.
`kay lola ester
`at kay lola ming
`sa aking BESTFRIEND. :) batiin ka sana ni toooot.
`at kay GIL ANGELO DEL VALLE! woooh! go chicken! :) )


Actions

Information

3 responses

17 11 2007
martina

wow.. now i know kung ano regalo ko sayo. hahahha :D

17 11 2007
tim ang

sasali kayo sa extreme papaya dance contest?
balak din kasi ng mga schoolmates ko. kaso, tinatamad kami.
pero, habol din namin yung 20 k. haha.

17 11 2007
amazingjodesz

martina
ngek. haha. :) wala ka nang ligtas sa pasko, bestfriend. haha.

TIM
yup. sasali kami. as in lahat ng tao sa section namin.
sabi nga nila eh iyong mga taong hindi mo mapapasayaw sa mga school programs eh mapapasayaw na.
3minutes (ata) of fame.

Leave a comment