5 days ang exams. 2 days nito nilalagnat ako habang tinetake ang examination. iyong isang araw ng exam, sa clinic ako nagtake dahil hindi na nakayanan ng sistema ko. kanina, akala ko wala na akong lagnat kaya pumasok ako. pero nung 30 minutes before the exam, namumutla na ako. then nung chineck ng classmate ko, nilalagnat ako. pero hindi ako pumuntang clinic dahil hindi ko talaga trip. haha. so ayun, the whole exam, hindi ako makatayo sa upuan ko. pagpasa ko ng test paper ko, diretso rest ako sa upuan ko. hindi ako nagrecess. haha.
iyan ang tinatawag kong ‘adventure exam’. oha.
then nung uwian, dapat pupunta akong National Bookstore sa Congressional para bumili ng pangregalo. pero iyong dapat kasama ko na si ina ay hindi na tumuloy. kaya sumama na lang ako kina cecille sa SM. masama padin pakiramdam ko pero go parin ako kasi akala ko, post-exam blahblah lang ito. haha.
nakapunta akong sm. uuber tagal ni cece sa gionevive blahblah. nahilo na ako. nagtxt si mama na magkita daw kami. so okay na. then naghiwalay kami sandali nila cece at nadine kasi maghahanap sila ng payphone samantalang ako ay pumasok ng national bookstore para bilhin iyong gift ko para kay bestfriend. medyo natagalan ako kasi pinag-isipan ko pa kung bibilhin ko din iyong THE CHOICE ni Nicholas Sparks for myself. haha. pero it ended up na hindi ko binili kasi masyadong mabigat at wala na akong pera. dude, 500 iyon! kaya kung sino mabait iyan, regalo niyo sakin iyon. haha. then paglabas ko ng NBS, hindi ko makita sila cece sa meeting place namin. i waited for how many minutes, wala padin. so naisipan kong pumuntang comic alley para bilhin iyong regalo para sa nabunot ko and nakabili naman ako. tapos nakakita ako ng oinky na larnyard. babalikan ko iyon promise.
then bumalik ako. wala padin. kumain ako sa foodcourt, pero hindi ko naubos iyong food kasi talagang nahihilo na ako. then may nakishare pa sa table ko. umalis ako. bumalik ulit sa meeting place, wala padin sila. tapos nagtxt din si mama na umuwi na lang ako kasi traffic daw. so aun, umuwi na lang ako. naglakad ako papunta sa terminal ng jeep. lakad-tigil-lakad ang drama ko kasi masama na talaga pakiramdam ko.
ayun. nakasakay na din sa jeep. muntik makatulog. haha.
)
ayan lang naman ang adbentiyur ko sa sm. saya noh?
sino ang taong alam na nilalagnat siya, pero pumunta pading sm? AKO!
sino ang taong alam na nilalagnat siya, pero nagtest padin dahil ayaw na niya ng alalahanin? AKO!
sino ang taong hindi padin nakakapagbalot ng regalo? AKO! bakit? TINATAMAD PA AKO! oha!
)
so ayan. ![]()
last day ng klase kanina. bukas christmas party na. haha.
magiging sloth na ako. sloth=laziness ah! hindi slut=GRO accdng to celina.


woah. lakas. may lagnat tapos nagmall? :]]
di ku kaya un ah.
waaah. san mu nakita ung oinky na lanyard? gusto ku rin nun! :]]
kat
oo. lakas! haha. kawawa naman kasi iyong nabunot ko kapag hindi ako bumili ng gift. sa comic alley sa sm north ko nakita iyong lanyard.
wow. hahahha. thanks sa gift ha.
hayaan mo. bibilhan kita nung the chance by nicolas sparks. para masaya. pero…. di ako sure kung kelan hahaha.
martina
improving ka dude.
wow. ina. pumupunta ka na sa blog ko without me asking you to. haha.
thanks din sa gift mo sakin. RUBIK’S CUBE! haha.