naligaw lang ako.

2 01 2008

teka teka. anung ginagawa ko dito? bakit ako nandito?
tae ka. nasa blog mo ikaw. ungas.
eh BAKIT nga ako nandito?
read my lips: KAILANGAN MO NANG MAGSULAT!
oh sheet. wala naman kwenta sinusulat ko eh! *senti mode*
onga noh. tama ka. alang kwenta sinusulat mo. *sarcastic smile*
bullshit ka. meron. pahumble lang ako. :P
and so? haha. lang kwenta. oh sige. umalis ka na ulet. wag mo na ituloy ito.
sayang naman ang 5seconds na ginugol ko papunta sa ‘create new post’ na ito eh. kaya itutuloy ko na.
wag na. wag na.
at tska namimiss na ako ng fans ko. *hi fans!* *sagot ng fans:(wala. walang fans eh)*
oh siya sige. bahala ka. magsulat ka if you want. haha.
takte. nareverse psychology ako ah!
engot ka kasi eh.

baliw na ako. oo, baliw. unti unti nang nagsusubside ang sanity ko. insanity na ang nagtetake-over sa utak ko. and its eating me alive.

mahigit 2 weeks na bakasyon. hindi ako nakapagpost ng matino. at ngayong disperas ng agony ko este ng pagbabalik eskwela, ngayon ko lang naisipan ang magpost. anong tawag saken? EEEEENGGGOOOOOTTTT. ewan ko ba, na-inspire ako magblog eh. nabasa ko kasi iyong mga blog ng ibang tao na i don’t really know. at tsaka, trip ko lang talaga. siguro epekto ito ng 2 pack ng mr.chips na kinain ko. at epekto siguro ng pagbabasa namin ng bestfriend ko ng horoscope. haha. *oha. martina! kamusta naman ang horoscope mo. haha.*

so anung makwekwento ko? ay oo nga pala. i’m beginning to love my multiply account. pero wag magtampo ang wordpress blog ko. dahil uber ikli lang ng pinopost ko dun. as in 2 sentences ang pinaka-maikli. kasi labasan ko lang naman iyon ng one-liners ko eh. eew. labasan. ang sagwa. or talagang greenminded lang talaga ako. ay ewan.

onga pala. 2008 na. bye bye 2007. malapit nang magcelebrate ng 1st anniversary ang blog kong ito. bagong taon, bagong buhay. ano? new year’s resolution? syempre meron ako niyan! pero hindi ko na ibrobroadcast. mahirap na. ayaw ko kasi na may nagsasabi lagi sa akin na ‘ui dba new year’s resolution mo ang magblahblahblah? eh anu iyan?’.. wag niyo pakialaman buhay ko. :P pero it only applies to some people. may mga tao naman na pwedeng magsabi sakin niyan. haha. sige na. may isa akong resolution na sasabihin dito: HUWAG NA MAGTANTRUMS. nasobrahan ang pagtatantrums ko last year eh. at tska kapag nagtantrums ako, papaluin ako ng pseudoyaya ko. takot na takot pa naman ako dun, dba NANNY? haha. ang hirap naman kasi hindi magtantrums eh. at oo nga pala, nagtatantrums parin ako. KATORSE ANYOS NA DALAGA + TANTRUMS = ME. :)

2008. malapit na pala birthday ko. june 18. haha. magiging KINSE ANYOS na ako. :) oye. malapit na akong maging 16. at maging 17. at maging 18. bwahaha. taakte. ang random talaga ng post na ito. para lang akong ewan. para lang nagtatae iyong ballpen, kaya kailangang ipangsulat ng kung ano ano para hindi masyang ang ink. pero, hindi ballpen ang gamit ko. at hindi papel ang sinusulatan ko. at KELAN PA NAGKAINK ANG KEYBOARD? haha.

so yun. balak ko nga palang magpost ng POST NEW YEAR POST. haha. :)

paalam. bukas, umpisa na ng giyera ulet. wish me luck.

*nabalitaan ko na binabasa pala ni tita rose itong blog ko. so, tita rose, if binabasa mo ito, HELLO! :) hahaha. special mention oh.
*oh ayan ina, may post na ako. basahin mo ito. haha.


Actions

Information

Leave a comment